SONA 2013 Reaction Paper Tagalog

TAGALOG SONA 2013 REACTION PAPER
www.sona2013aquino.blogspot.com
Sa nakaraang apat na taon sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Benigno Simeon “PNoy” Aquino III, saan na nga ba patungo ang ating bansa? Daang matuwid pa rin ba ang ating tinatahak? Sama-sama pa rin ba tayong sumusulong patungo sa malaking pagbabago? O ang iba sa ati’y umuurong na’t ang iba’y nangangaliwa?
Ika-22 ng Hulyo taong 2013 ganap na 4:03 ng hapon, inilahad ng ating Pangulo ang kaniyang ikaapat na State of the Nations Address o SONA sa Batasang Pambansa sa lungsod ng Quezon na may temang “Sa Gitna ng Daang Matuwid”. Sa habang isang oras at apatnapu’t tatlong minuto, ito na raw ang pinakamahabang SONA na ibinahagi ng ating pangulo kung ikukumpara sa mga nauna niyan talumpati.
Karamihan sa mga dumalo sa SONA ay mga kongresista, mambabatas, mga opisyal ng gobyerno, local at internasyonal na mga mamamahayag at ilang kilalang personalidad sa bansa.
Hindi lamang nagsilbing tanda ng kanyang ikatlong taon sa puwesto ang SONA ng pangulo, bagkus, ito rin ang hudyat ng pagbubukas ng ika labing anim na kongreso. Sinasabing komprehensibo ang nasabing SONA ng pangulo sa taong ito sapagkat malawak ang sinaklaw nitong mga kaganapan-pulitikal man o ekonomikal. Inihayag rin sa SONA ang mga nagawang reporma....

1 comment:

  1. kakainis nabwibwisit ako may pa entertainment club pang nalalamam di nalang kasi ideretso sa main page ... bwisit

    ReplyDelete